Ahmmmm. Hindi ko talaga feel ang pagba-blog. Feeling ko kasi ang blog ay para lang sa tao na feeling niya maganda siya, at magaling siya at matalino siya. Nakakaasar kasing isipin na sa tuwing gumagawa ka ng isang bagay kailangan iniisip mo din yung mga sasabihin ng ibang tao, eh p*t*ng nang yan, paki ko sa kanila. Yun lang yun. Pero hindi din. Tamang trip lang din ang pagba-blog kung saan sa bandang huli yung iba ginawa na itong kabuhayan. NO COMMENT.
Susmiyo! Sakit sa ulo eh.
Siguro nga tama yung sinabi ni Tina Fey (close kami, bakkket ba?) nung nakaraang Oscars--
" if you think too good about yourself, we have this thing called the INTERNET"...
Malamang! Tama nga siya. Aba? Ikaw ba naman mag post ng kung anong iniisip mo sa halos limandaang ka fb mo daba? ang magpost ng picture ng kung ano anung kaeklatan sa kwarto mo, sa cr niyo, sa kusina niyo, ultimo yosi mo na hindi dapat makita ng kapatid mo na ka fb mo, ayun! pinost mo na din! sus!eh di naloka loka ka? tsk
SO BAKIT NGA BA MAY BLOG?
So, bakit nga ba may blog? (makulet na ko teh?) Napaka-epokrita ko naman kung sasabihin kung galit ako sa mga taong nagba-blog at sa mga gustong magbasa at mag-stalk sa mga blogs at bloggers. HALA!
Minsan na tong binigyang pansin (bngyang pansin tlga? reporter ka teh) ng isa sa mga friends ko. Eh panu ba naman? May isa kaming nagging kaklase nun na, ayun, hahahha. Masyadong feelingera sa paggawa ng mga blogs nia. sa multiply ata yun. akala niya sguro maraming mkaka-appreciate ng gawa niya, whatever thought na meron siya nun. Eh tamang topak lang siya nu. Ayun, yung barkada ko, natamaan yata siya! hahahaha. Malaman laman na lang namin, binura na siya ni girl blogger sa multiply contact list nito. hhahha. bitter amp*ot*. hahhaha..
Eh di yun na nga. kulet kasi. tae naman oh? bakt nga ba may blog? sasagutin ko na nga to ayun sa makakaya lang ng isipan ko. hmmmmmm
Simple lang, TO BE APPRECIATED.
Bahala ka na kung paano mo gagawan ng methodology kung paano ka mkakaepal. Katulad na lang ng gnagawa ko. Totoo lang. Kung may root word man ng epal, baka sa pangalan ko na nga nag ugat yun. Kasi tlga, isa akong dakilang epal. hnd ko nga alam kung bakit ko gnagawa to, as bina-blog to. hmmmm.
Malamang sa malamang, gusto ko ding ma-appreciate. ang problema nga lang, MUCH APPRECIATED na nga ako. hmmmmm. hindi ako sinungaling. PROMISE.
Ito, seryoso na. para sa lahat ng mga gustong mag blog jan, pakiusap lang, yung matutuwa naman yung sanlibutan sa mga ipopost niyo at please lang, wag na wag niyo kong tutularan. PLEASE LANG.
Wednesday, September 2, 2009
Subscribe to:
Comments (Atom)
